SHOOTING INCIDENTS | Mga teacher sa Amerika, aarmasan?

Amerika – Pinag-aaralan na ni US President Donald Trump na armasan ang mga guro.

Kasunod ito ng ilang insidente ng pamamaril sa mga eskwelahan kung saan pinakahuli ay nangyari sa Marjory Stoneman Douglas High School sa Florida na ikinasawi ng 17 katao.

Ayon kay Trump, kapag may armas ang mga guro, mag-aalangan ang mga suspek na manggulo sa mga paaralan.


Samantala, nagprotesta naman sa state capitol ng Florida ang mga mag-aaral na nakaligtas sa school shooting incident.

Ito ay para ipanawagan sa mga mambabatas na gumawa ng hakbang para hindi na maulit pa ang pamamaril.

Facebook Comments