SHOWBIZ | Janine Gutierrez, deadma lang sa mga paninira ng mga bashers; Singer Demi Lovato, na-ospital matapos ma-overdose

46

Dedma lang ang aktres na si Janine Gutierrez sa mga below the belt na komento ng mga bashers nito matapos ang pagkakaroon ng TV project kasama si Alden Richards.

Say ni Janine, kailangan niya nang sanayin ang sarili sa mga ganitong uri ng pag-atake sa social media dahil kasama ito sa takbo ng buhay-artista.

Hindi na din daw siya nao-offend sa mga banat ng mga netizens lalo na at trabaho lang daw ang kaniyang ginagawa.

Matatandaan na nag-ugat ang paninira kay Janine matapos siyang pumayag na maka-pareha si Alden sa isang teleserye kung saan hindi ito tanggap ng ibang fans ng aldub (Alden Richards at Maine Mendoza).

Samantala, isinugod sa ospital ang Hollywood singer na si Demi Lovato matapos daw ma-overdose sa heroin.

Kasalukuyang nasa Los Angeles Hospital si Lovato kung saan ayaw munang maglabas ng pahayag ng kampo nito hinggil sa nangyari sa kaniya.

Facebook Comments