Signal ng mga mobile network sa paligid ng Quiapo, Maynila – balik-normal na

71

Manila, Philippines – Balik-normal na ang signal ng mga mobile network sa paligid ng Quiapo, Maynila.

Ito’y matapos itong suspindehin sa loob ng 48 oras kasunod ng naganap na mga pagsabog sa Quiapo noong Sabado nang gabi.

Kahapon, inutos ng PNP sa Globe at Smart ang pansamantalang suspensyon ng kanilang mga signal habang isinasagawa ang inspeksyon sa pinangyarihan ng pagsabog.

Nabatid naman na maging ang ilang bahai ng Makati at Quezon City ay naapektuhan din ng partial shutdown ng Smart.

Agad naman humingi ng paumanhin sa publiko ang dalawang mobile network company.

DZXL558

Facebook Comments