Vice Ganda – itinanggi ang umano’y romantic relationship kay Zanjoe Marudo

166

Manila, Philippines – Todo-deny ang phenomenal box-office star na si Vice Ganda sa tsikang may romantic relationship ito kay Zanjoe Marudo.

Say ni Vice, totoong “ultimate crush” niya si Zanjoe pero hindi totoong may namamagitan sa kanilang dalawa.

Naging usap-usapan kasi ang appearance ni Zanjoe sa valentine concert noon ng unkabogable star sa Araneta Coliseum at sa post birthday celebration nito sa Marco Polo Ortigas kung saan binigyan siya nito ng bulaklak.

Pero paliwanag ni Vice, galing sa team Vice ang flowers at nagkataon lang na nagkasabay sila dumating sa venue kaya kay Zanjoe pinaabot ang bulaklak.

Bukod kay Zanjoe, inili-link din ngayon sa komedyante sina Axel Torres, Ervic Vijandre, Anjo Damiles at ang basketbolistang si Kiefer Ravena na itinanggi rin naman ni Vice.

DZXL558

Facebook Comments