Silver anniversary celebration ng Star Magic, naging star studded

Manila, Philippines – Halos mahigit 100 kapamilya stars ang nakiisa sa silver anniversary celebration ng Star Magic kahapon sa Araneta Coliseum.

Sinimulan nila Piolo Pascual at Jericho Rosales ang opening number ng event.

Kabilang rin sa nag perform on stage ang original na It Girl na si bea alonzo at ang mga bagong it girls na sina Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Liza Soberano, at Janella Salvador.


Lumakas din ang hiyawan ng mga fans nang mag-perform Kimerald ng isang sexy dance number.

Habang kilig number naman ang mayroon ang love teams na Mayward, Elnella, Joshlia, Kathniel at Lizquen.

Ang part two ng special anniversary ng Star Magic ay naka-set na sa darating na May 28.

Photo from: showbiz-portal.com

 

Facebook Comments