SINIGURO | Honor code, tiniyak na mahigpit nang maipapatupad sa PNPA

Manila, Philippines – Siniguro ng bagong Philippine National Police Academy Director na si Sr. Supt. Chiquito Malaya na mas mahigpit na ipatututpad ang “Honor Code” sa PNPA o Philippine National Police Academy.

Sinabi ito ni Malayo matapos na makausap kanina PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde nang makipagdayalogo ito sa mga kadete ng PNPA.

Nagbabala naman agad si Albayalde sa mga kadete na huwag nang mauulit ang mga iskandalong kinasangkutan ng mga ito tulad ng Oral Sex Punishment sa mga plebo.


Giit ng PNP Chief, dapat tanggalin na ng mga kasalukuyang Kadete ang kultura ng karahasan dahil ito rin ang maipapasa nila sa mga susunod pang henerasyon sakaling sila’y maging opisyal na ng PNP

Bilang tradisyon naman sa pagbisita ni PNP Chief nagbigay ito ng kaniyang rekumendasyon na gawaran ng pardon ang PNPA Cadet Corps

Ibig sabihin nito, Limampung Oras ang mababawas sa parusa, Limampung Araw naman ang ibabawas sa Confinement Period habang binigyan ng isang araw na Weekend Privilege ang mga Kadete.

Facebook Comments