Tuesday, July 28, 2026

PBBM, iginiit ang suporta sa mga guro para sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas matibay na suporta sa mga guro bilang susi sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ayon sa pangulo, mahalagang mapangalagaan ang kapakanan ng mga guro dahil sila ang may pangunahing papel sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Kabilang aniya sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagpapalabas ng mga allowance ng mga guro, pagdaragdag ng mga teaching position, at pagpapatupad ng mga promosyon sa hanay ng mga educator.

Binigyang-diin din niya na kailangang palakasin ang sektor ng edukasyon upang mas maihanda ang mga kabataan sa kanilang magiging tungkulin at kontribusyon sa bansa sa hinaharap.

Hinikayat din ng pangulo ang mga estudyante na samantalahin ang mga tulong at kagamitang ibinibigay ng pamahalaan upang makatulong sa kanilang pag-aaral at paghahanda para sa kanilang kinabukasan.

Facebook Comments