Sinuri ng DPWH Pangasinan Second District Engineering Office, katuwang ang Municipal Engineering Office (MEO) ng Mangaldan, ang mga nakatakdang proyektong pang-imprastruktura sa bayan bilang bahagi ng paghahanda para sa Fiscal Year 2026 Infrastructure Program.
Kabilang sa mga inispeksyon ang planong pagtatayo ng mga multi-purpose building sa mga barangay ng Banaoang, Bateng, Buenlag, Guesang, Guiguilonen, at Osiem, gayundin ang covered court ng Mangaldan Central School.
Tiniyak ng ahensya na nasusunod ang mga kinakailangang requirements bago maisama sa implementasyon ng programa ng DPWH para sa 2026.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang pagsunod sa proseso at dokumentasyon para masiguro ang pagpapatayo sa mga pasilidad sa Mangaldan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








