Tuesday, June 16, 2026

DCPO NAGPAIGTING NG POLICE PRESENCE SA MGA PAARALAN SA DAGUPAN

Nagpapatuloy ang police presence at assistance operation ang City Mobile Force Company (CMFC) ng Dagupan City Police Office (DCPO) sa iba’t ibang paaralan sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Layunin ng kanilang presensya sa mga paaralan na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob at paligid ng mga institusyong pang-edukasyon, lalo na sa panahon ng pagpasok at pag-uwi ng mga estudyante.

Bukod sa pagpapatrolya, nagsagawa rin ang mga pulis ng agarang pagtugon at pagbibigay ng kaukulang tulong sakaling magkaroon ng anumang insidente o emerhensiya sa mga paaralan.

Bahagi rin ng hakbang na ito ang pagpigil sa posibleng paglitaw ng mga krimen at iba pang hindi kanais-nais na pangyayari na maaaring makaapekto sa seguridad ng mga mag-aaral at mga guro.

Nanindigan naman ang pamunuan ng pulisya na magpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at iba pang sektor upang matiyak ang isang ligtas, mapayapa, at kaaya-ayang kapaligiran para sa edukasyon ng mga mag-aaral sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments