Sofia Andres, nilinaw ang ispekulasyong lilipat siya sa ibang network

Marami ang nagulat sa biglaang pagkamatay ng karakter ni Sofia Andres na si Mayari sa ABS-CBN fantaseryeng Bagani.
Matatandaang isa si Mayari sa limang bidang bumubuo sa nasabing palabas kasama sina Liza Soberano, Enrique Gil, Matteo Guidicelli, at Makisig Morales.
Dahil dito, naging bulong-bulungan ang paglipat ni Sofia sa ibang network.
Sa pamamagitan ng isang tweet nitong Huwebes, April 19, itinanggi ito ng aktres at sinabing hindi ito totoo at proud siyang maging kapamilya.
Hindi pa rin malinaw ang dahilan kung may kinalaman ang kanyang pag alis sa napabalitang may attitude daw ito na kanya namang dinepensahan kamakailan lamang.

Facebook Comments