Solar Powered Irrigation Systems, gagamitin sa mga lupang agrikultural na apektado ng El Niño phenomenon

Ipantatapat ng Department of Agriculture (DA) sa nararanasang El Niño phenomenon ang pagtatayo ng mga Solar Powered Irrigation Systems sa mga lupang agrikultural sa bansa.

Ito ay upang padaluyin ang mga tubig mula sa mga ilog patungo sa mga sakahan.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manuel Piñol na kasado na ang pagpasok ng malalaking Israeli agro-industrial company sa bansa na nangakong magtatayo ng nasa 6,200 units ng Solar Powered Irrigation Systems.


Ito ay isang sampung taon na loan program na nagkakahalaga ng P44 billion. Ang pondo ay parehong gagarantiyahan ng gobyerno ng Pilipinas at Israeli Government.

Sa ngayon ay may sampung probinsya na ang matinding naapektuhan ng El Niño.

Kabilang na dito ang Ilocos Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Cebu.

Unti-unti na rin itong nararamdaman sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Ilocos Sur at La Union.

Facebook Comments