SP AKLAN HINILING KAY PRESIDENT MARCOS NA MAKIALAM AT IPAGTANGGOL ANG CLOA NA IBINIGAY SA 44 NA MIYEMBRO NG BATO

Boracay, Malay, Aklan – Isang resolusyon ang inaprubahan ng Aklan Sangguniang Panlalawigan na hiniling kay President Ferdinand BONGBONG Marcos Jr. na makialam at ipagtanggol ang integridad ng Certificate of Land Ownership Award CLOA na binigay ni dating President Rodrigo Duterte sa 44 ba benepesiyaryo mula sa Boracay Ati Tribal Organization o BATO. Matandaan na nababahala ang nasabing mga benepisyaryo ng CLOA matapos napag alaman nila na merong nag file ng petition sa Department of Agrarian Reform Central Office na nagpapawalang bisa o kanselahin ang CLOA, dahil ang lupa umano na sakop nito partikular ang Lot nos. 6574, 6359-A, 6546 at 7637 ay hindi angkop na pang agrikultura ayon sa resulta ng eksaminasyon na isinagawa ng DAR Central Office – Bureau of Soils and Water Management. Pero ayon naman sa BATO matagumpay silang nakapagtanim dito at ang katotohanan na sa kanila na nga bumibili ng gulay at iba pang ani ng kanilang pananim ang mga malalaking hotel sa isla ng Boracay. Sa isinagawang legislative inquiry ng SP Aklan ang protesta sa lupa ay kinumpirma ni DAR Regional Director Atty. Shiela B. Enciso at ito’y nasa DAR Central Office na. Dahil dito, inaprubahan ng SP Aklan sa kanilang 58th Regular Session ang nasabing resolusyon para makialam at ipagtanggol ang integridad ni President Marcos Jr. ang CLOA ng Boracay Ati Community.
Facebook Comments