MADALAG MUNICIPAL HEALTH OFFICER, ISA SA MGA DANGAL NG BAYAN AWARDEE NG CSC

Madalag, Aklan – Dangal ng Bayan Awardee ng Civil Service Commission Region 6 si Dr. Josephine Ricamonte, Municipal Health Officer ng Madalag Municipal Health Office. Sa PASIDUNGOG 2023 noong Huwebes na isinagawa sa District 21 Hotel, Iloilo City kinilala ng Civil Service Commission CSC ang mga kapuri-puring civil servants o empleyado ng gobyerno kung saan isa rito si Dr. Ricamonte. Ang Dangal ng Bayan Award ay ibinibigay ng CSC sa mga empleyado ng gobyerno na nagpakita ng huwarang ugali sa pagganap ng kanilang tungkulin at naging modelo sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko.
Facebook Comments