SP AKLAN NANANATILING ISO 9001-2015 CERTIFIED

Kalibo, Aklan – Matapos ang isinagawang ISO 9001-2015 re-certification audit nina Mr. Jayzer Aquino, Lead Auditor at Mr. Mark Anthony Lugay, Auditor ng TUV Rheinland (TUVR) Philippines kahapon December 21, 2022 nanatiling certified ang Aklan Sanggunian matapos na muling matagumpay na pumasa. Dahil dito ang Aklan Sangguniang Panlalawigan ay nag iisang SP sa Western Visayas na akreditado at merong ISO standard. Kinakailangan lang umanong palakasin pa ang sinserong pangako sa mas matapat at magandang pag gobyerno. Panatilihing tuloy-tuloy ang mabuting proseso at pamamaraan para makamit ang pinaka mataas na pamantayan ng kahusayan at kasiguruhan ng serbisyong kalidad na naaayon sa internasyunal na basehan. Kasama sa ISO 9001-2015 ang magandang proseso ng pamamahala sa panahon ng panganib para mag bigay gabay sa mga organisasyon sa pagkilala at makapagbigay din ng mabisang pagpapagaan sa pagdating ng hindi magandang sitwasyon. Ang ISO 9001 ay ang pinaka kilala sa buong mundo pagdating sa kalidad ng sistema ng pamamahala o Quality Management System na ang pinaka pakay ay matulungan ang organisasyon na maibigay ng epektibo ang pangangailangan ng mga kostumer at iba pang stakeholders. Dinaluhan mismo nina Vice Governor Reynaldo Quimpo, SP Members, Acting Secretary Merlyn A. Montano at mga empleyado ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang nasabing SP’S ISO recertification audit. Muli namang isailalim ang SP Aklan sa recertification audit sa 4rth quarter ng 2023.
Facebook Comments