PANGASINAN, NAKAPAGTALA NA NG DALAWAMPUNG MEDALYA SA BATANG PINOY 2022

Umabot na sa dalawampung medalya ang nasungkit ng mga batang atleta ng probinsiya ng Pangasinan sa isinasagawang patimpalak na Batang Pinoy 2022 sa Ilocos Sur.
Base sa pinakahuling 2022 Batang Pinoy Official Medal Tally kahapon, ika-21 ng Disyembre, mayroon ng anim (6) na gintong medalya ang nasungkit ng Pangasinan, pitong silver medals at 7 bronze medals.
Samantala, nangunguna naman ang Baguio City na mayroong 85 ng medalya, pumangalawa naman ang Quezon City na may 36 na medalya at ang Iloilo City na may 35 medalya.

Sa naturang patimpalak, nasa 93 na probinsiya at siyudad sa buong bansa ang nagtatagisan sa Batang Pinoy ngayong taong 2022.
Ngayong Huwebes na ang huling araw ng laro kung saan patuloy na nakikipagtagisan pa ang lahat ng mga batang atleta para sa mithiing makapag-uwi ng medalya at parangal sa kani-kanilang mga lugar. |ifmnews
Facebook Comments