Epektibo sa susunod na linggo ay may bago nang tagapagsalita ang Philippine National Police (PNP).
Ito ay sa katauhan ni PCol. Roderick Augustus Alba na mula sa PNP Information Technology and Management Service (ITMS).
Siya ay produkto ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagpatupad Class of 1992.
Ang papalitan niyang si PNP Spokesperson BGen. Ronaldo Olay ay itinalaga bilang bagong director ng PNP Directorate for Logistics (DL) kapalit ni PMaj. Gen. Angelito Casimiro na magreretiro na sa serbisyo sa darating na October 2, 2021.
Si Olay ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1990, habang si MGen Casimiro ay miyembro ng PMA Class of 1988.
Facebook Comments