State of Children Report binigkas ni Mayor Cynthia Guiani

Inilahad kahapon ni cot.city mayor Atty.Cynthia Guiani ang kanyang pangalawang State of Children,s Report kung saan ibinida nito ang paglaan ng 56 milyon mahigit na pondo para sa ChildCare at mga programs ngayong taon.
Nagpasalamat din ang alkalde sa mga NGO,s na malaki ang naitulong para sa pangangalaga ng kabataan tulad ng UNICEF, sa ginawang Global Handwashing day, na libo-libo ang nakiisa, Mindanao Youth Development o MY DEVT, Samaritan,s Purse, Reconciliation at iba pa.
Tuloy-tuloy din ang feeding program ni mayor Cyn sa mga Daycare school sa lungsod at pagbibigay ng suporta sa child devt program, mga pagtulong sa mga Out of School Youth.
Sinaksihan ng libo-libong mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan at guro, mga barangay officials at city council ang Children,s report ni Mayor.

Facebook Comments