STRONGMAN | Australyanong nagwagi sa paghatak ng isang tangkeng pandigma sa loob lang ng 36 segundo, kilalanin!

Australia – Naging emosyonal ang Australian strongman na si Eddie Williams
matapos nitong hatakin at pag-wagian ang isang palahok sa paghatak ng isang
tangke na tumitimbang ng walong tonelada sa layong sampung metro at sa
pinakamabilis na oras na 36.65 seconds lamang.

Nakumpleto ni Williams ang paghila sa isang tangke kaysa sa runner up
nitong si Trey Mitchel ng USA.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng World Tanks Day sa bansang Austrilia kung
saan ay naging guest pa itong sikat at kilalang body-builder na si Arnold
Schwarzenegger na siya ring nagmamay-ari sa nasabing tangke.


Sa pagtatapos ng event, ay iniaalay umano ni Williams ang pagkakapanalo sa
kanyang namatay na pinsan habang umiiyak itong nagsasalita at siyempre pati
na rin daw sa kanyang mga kamag-anak at mga asawa, o asawa.

Sa ngayon ay hindi pa rin si Williams ang nagmamay-ari ng korona sa Guiness
World Record, dahil kailangan pa rin daw itong ma-i-validated muna ng
pamunuan ng GWR.

At sa sandaling mapatunayan na ito ay si Williams ang hahawak ng
kaunaunahang record sa paghatak sa isang tangkeng tumitimbang ng walong
tonelada.

Facebook Comments