
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naglabas na sila ng subpoena sa mga indibidwal na sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ito ay sa limang kaso na ibinalik ng Office of the Ombudsman sa Department of Justice kaugnay sa flood control anomaly sa Bulacan.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ikakasa naman ang paunang imbestigasyon sa kaso sa susunod na Lunes, November 10.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng Justice Department na kasama sa ipapatawag ang mga dating district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Partikular na rito sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.
Sa kabila nito, sinabi ng DOJ na wala pang kasalukuyang halal na opisyal na kasama sa kanilang imbestigasyon.









