SUICIDE CASES SA REHIYON UNO NAITALA NG DOH-REGION 1, TUMAAS

Tumaas na ang kaso ng mga nagpapakamatay sa rehiyon ayon sa tala ng Department of Health Center for Health Development in Ilocos Region o DOH-CHD1.
Sa tala ng ahensya, noong nakaraang taon nasa 103 ang suicide cases ng rehiyon kung saan pinakamataas ang Pangasinan na nakapagtala ng 37% na suicide cases.
Dahil dito, mas pinapa-igting pa ng ahensya ang kanilang kampanya ukol sa pangangalaga ng mental health.

Ayon kay Glen Ramos, Health Education Promotion Unit media relations officer, ang kanilang mga isinagawang seminars ay naka pokus sa stress management techniques at upang matukoy ang mga sintomas na nagpapakita ng stress pagdating sa trabaho.
Samantala, naglunsad ang ahensya ng psychological first-aid para sa mga indibidwal na nakakaranas ng mental health problem nito ay ang “Tara, Usap Tayo”. Maari silang tawagan sa numerong (0961) 8151416 at 0945) 4914447 bukas ang nasabing hotline lunes hanggang biyernes mula alas otso hanggang alas kwatro ng hapon.| ifmnews
Facebook Comments