SULIRANIN NG MGA MAGSASAKA SA VILLASIS, IPINAABOT SA LOKAL NA PAMAHALAAN

Ipinarating ng mga magsasaka sa Villasis, Pangasinan ang kanilang mga suliranin at pangangailangan sa sektor ng agrikultura sa isinagawang Farmer’s Consultative Meeting ng Lokal na Pamahalaan.

Nagbahagi ang mga kalahok ng kanilang karanasan at mga hamon sa pagsasaka, kabilang ang mga isyung may kinalaman sa produksyon at suporta.

Ito ay upang matukoy ang mga posibleng hakbang na makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang operasyon.

Siniguro naman ng LGU na pakikinggan ang mga suhestiyon at rekomendasyon ng mga magsasaka na maaaring isaalang-alang sa pagbuo ng mga programa at proyekto sa agrikultura.

Facebook Comments