Sultan Mastura PNP puspusan ang kampanya kontra Droga

Arestado sa checkpoint ng Sultan Mastura PNP ang isang 21 anyos na si Fahad Agko residente ng Brgy. Tapayan matapos makumpiskahan ng 2 pirasong sachet ng shabu.

Sinasabing sakay ng kanyang Honda Wave motorcycle si Agko ng parahin sa Macabiso Detachment pasado alas dos huwebes ng hapon ayon pa sa impormasyong nakuha ng DXMY kay Sultan Mastura PNP Chief CINS Noel Dela Cruz.

Kasalukuyang kalaboso na sa presinto ng SM PNP ang naarestong si Agko at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.


Patuloy naman ang panawagan ni COP Dela Cruz sa lahat ng taga Sultan Mastura na makiisa sa kanilang kampanya na masugpo ang problemang hatid ng illegal drugs.

Puspusan rin ngayon ang ginagawang house to house visitation at pamimigay ng IEC Materials sa publiko ng SM MPS . (DENNIS ARCON)

Facebook Comments