Pangulong Duterte, guilty ng ethnocide ayon sa mga Moro

Manila, Philippines – Guilty si Pangulong Duterte ng Ethnocide.
Ito ang inihayag ng mga katutubong Moro na nakikibahagi sa isang programa sa Luneta kaugnay ng National Day of Protest.
Ayon kay Datu Kerpme Aba ng Sandugo, sa isang asimbleya ng Sandugo noong September 4, ibinaba ang hatol kay President Duterte para sa mga krimen na nagawa ng kaniyang administrasyon sa mga Bangsamoro na maituturing na ethnocide.
Partikular na tinukoy ng Sandugo ang mga pambobomba sa mga indigenous areas sa Marawi, pagpapasara sa mga eskwelahan ng mga Lumad, at mga kaso ng EJK.

Facebook Comments