SUMALPOK | Driver, sugatan matapos bumangga ang sinasakyang van sa likurang bahagi ng dump truck

23

Manila, Philippines – Sugatan ang driver ng isang l300 van matapos sumalpok sa likurang bahagi ng dump truck sa Quezon Avenue bago dumating ng Araneta Avenue sa Quezon City.

Nakilalang ang driver ng van na si Dave Sante na may sugat sa ulo, kamay at paa.

Ayon sa kasama nitong si Cyrus Daliva galing sila ng Capitol at papunta sana sa Quiapo para mag-deliver ng bed sheet kung saan mabilis ang kanilang takbo at nagulat na lang sila nang biglang nag-U-turn ang dump truck na nasa harapan nila.

Depensa ng driver ng dump truck na si Rogelio Fuertes mabagal lang ang kanyang pagpapatakbo dahil mag-u-U-turn siya pero bigla na lang siyang sinalpok ng van.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad para malaman kung sino ang may kasalanan at kung ano ang pananagutan ng driver ng dump truck.


Facebook Comments