Manila, Philippines – Sumigla sa antas na 16.7 percent sa ikatlong hati ng 2018 ang construction industry.
Batay sa report ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 16.8 percent ang mga building permits na naaprubahan mula Hulyo hanggang Septyembre.
Tumaas ang bilang ng mga nagpapatayo mg residential at nonresidential building mula 42,111 mula sa 36,076 na naitala sa parehong panahon noong 2017.
Ang pagbilis ng construction activities ay naitala sa sumusunod:
Institutional buildings na may pagtaas ng 37.8 percent
Commercial buildings =13.9 percent
Agricultural buildings = 7.8 percent
Nasa 49.4 percent ng kabuuang projects ay naikalat sa sampung probinsya sa bansa kabilang dito ang Cavite, Batangas, Cebu at Bulacan.
Facebook Comments