SUMUNOD | DENR, may babala ngayong mayroong bagyong Vinta

Manila, Philippines – Dahil sa mga buhay na nasawi dahil sa bagyong Urduja, nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources sa mga residente sa mga landslide flood-prone areas na huwag nang pairalin ang katigasan ng ulo.

Ginawa ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pahayag kasunod ng hindi pa rin pagtalima ng ilang residente sa mga emergency alerts ng gobyerno sa panahon na mayroong severe weather conditions.

Pinayuhan ni Cimatu ang publiko na ugaliing makinig sa latest Weather Bulleting ng PAGASA.


Mabilis aniyang magbago ang storm track o tinatahak na direksyon ng mga bagyo.

Mahalaga na maagap na makapaghanda ang publiko sa halip na mabigla sa sitwasyon ang mga residente sa mga dznger zones.

Binabatanyan ngayon ng Weather Bureau ang bagyong Vinta na tinatahak din ang dinaaanan ni tropical depression Urduja na nag iwan ng pinsala sa ari arian sa Visayas at Mindanao, at pagkasawi ng may 31 katao.

Facebook Comments