Sunshine Cruz, happy raw sa resulta ng annulment case

24

Masayang ibinahagi ni Sunshine Cruz ang magandang development ng annulment case na inihain niya sa dating asawang si Cesar Montano.

Ito ay matapos ibasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 106 ang Motion for Reconsideration na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) na baligtarin ang desisyon ng korte na ipawalang bisa ang kasal nina Sunshine at Cesar.

Base sa dalawang-pahinang desisyon ng QCRTC Branch 106, pinanindigan ng huwes ang nauna nitong desisyon noong February 26, 2019 na i-nullify ang kasal ng dalawa.

Sa FB post naman ni Sunshine, sinabi nitong hindi naging madali ang lahat lalo at limang taon rin niyang hinintay na tuluyang ma-annulled ang kasal nila ni Cesar.

Magugunitang naghain ng annulment si Sunshine noong Abril 2014 at ito ay napagbigyan ng Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 2018.

Taong 2000 ng ikinasal ang dalawa kung saan sila ay may tatlong anak na babae.

Facebook Comments