
Pag-aaralan ng Malacañang ang mungkahi ng ilang senador na pansamantalang itigil ang pagbabayad ng pension premium sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS), bilang dagdag ginhawa sa middle class na apektado ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, may mga umiiral nang tulong ang SSS at GSIS para sa kanilang mga miyembro.
Samantala, nag-alok din ang Pag-IBIG Fund ng espesyal na tulong para sa repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs).
Maaari nilang i-withdraw hanggang 100% ng kanilang ipon, pati ang MP2 savings kahit hindi pa ito matured.
May opsyon din ang mga miyembro na mag-avail ng tatlong buwang moratorium sa housing loan nang walang interest at penalty.
Facebook Comments










