Thursday, April 16, 2026

Sen. Imee Marcos, nanindigang hindi lalagda sa partial committee report ng imbestigasyon sa flood control scandal

Hindi lalagda si Senator Imee Marcos sa partial committee report ng Blue Ribbon Committee (BRC) patungkol sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Sen. Imee, nabasa na niya ang partial report at isa sa dahilan ng hindi niya pagpirma rito ay ang hindi pagimbita kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ganun din aniya ang hindi pagpapatawag sa 18 dating sundalo at iba pang personalidad na may mahalagang impormasyon sa nangyaring katiwalian sa flood control projects.

Sakali naman aniyang magkaroon ng kumpletong report at ipatawag ang mga dapat na paharapin sa imbestigasyon ay saka pa lamang pwedeng mabago ang desisyon ng senadora sa hindi pagpirma sa partial committee report.

Gayunman, tingin ng senadora, pilit na tinatabunan ang isyu at pinagtatakpan ang mga tunay na sangkot sa isyu.

Facebook Comments