Thursday, April 16, 2026

Unang araw ng isinagawang transport strike, generally peaceful ayon sa PNP; mga kapulisan, nananatiling nakaalerto sa mga susunod pang mga araw

“Generally peaceful”

Ito ang naging ulat ng Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng isinagawang transport strike kahapon.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., walang naiulat na anumang insidente sa isinagawang aktibidad ngunit patuloy silang naka-alerto hanggang matapos ang nasabing protesta.

Ayon kay Nartatez, napanatili ng mga kapulisan ang presensya nito sa mga pangunahing kalsada, terminal, at sa mga checkpoints sa buong bansa.

Kung saan naglagay ng mga Police Assistance Desk o PADs sa mga pangunahing lugar para sa mabilis na pagtugon sa mga hinaing ng mga commuters pati na ang seguridad sa mga lugar na apektado ng nasabing kilos-protesta.

Nabatid na nag-anunsyo ng tatlong araw na nationwide transport strike ang grupong Manibela at Piston na sinimulan kahapon at matatapos sa April 17, Biyernes.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Nartatez sa mga transport groups na panatilihin nilang mapayapa at naayon sa batas ang mga gagawing protesta kung saan nirerespeto ng PNP ang kalayaan sa pagpapahayag ngunit kailangan panatilihin ang disiplina.

Facebook Comments