SUPLAY NG KARNE NG BABOY, SAPAT NGAYONG HOLIDAY SEASON

Tiniyak ngayon ng samahan industriya ng Agrikultura o SINAG na sapat ang suplay ng karne ng baboy sa Pangasinan ngayong holiday season.
Ito ay sa kabila ng paglalabas ng Executive order ng Pamahalaang Panlalawigan na nagbabawal sa pagpasok ng mga baboy sa Pangasinan mula sa ilang mga probinsiya dahil sa patuloy na Banta ng African Swine Fever.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay SINAG Chairman Engr Rosendo So, may sapat na stock ang Pangasinan kung ss usapin sa baboy ang pag uusapan.

Madami kasi aniya mga nag aalaga ng baboy sa Pangasinan na pwedeng mapag kunan habang epektibo pa ang Temporary Ban.
Samantala sa Tantiya ni Engr So ay posibleng tumaas ang presyo ng mga Karne ngayon holiday season pero minimal lang. |ifmnews
Facebook Comments