HALLOWEEN ZUMBA NIGHT, TAMPOK SA BAYAN NG BINALONAN

Nagtapos ang halloween events ng bayan ng Binalonan sa ginanap na Halloween Zumba Night nitong November 02 sa Public Auditorium ng bayan na nagmula bandang alas sais ng gabi (6pm).
Humataw ang ilang zumba goers suot ang kanilang black halloween outfit.
Mapa-bata o matanda ay umindak kasabay ng mga zumba instructors.

Ilang kawani rin ng PNP Binalonan ang nakiisa sa nasabing zumba.
Samantala, nagkaroon rin ng Trick or Treat ang LGU Binalonan para sa mga bata na sumali sa kanilang Halloween Costume Competition, Kids Edition nitong November 1, 7pm sa Public Auditorium.
Matapos naman ang paggunita ng Halloween, ay tuloy tuloy na ang Christmas Bazaar sa nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments