Suporta kay VP Robredo, dapat ibuhos ng gobyerno kung seryoso ang Pangulo na gawin itong drug czar

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian na mahalagang maibigay kay Vice President Leni Robredo ang buong suporta ng pamahalaan kung seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin siyang drug czar.

Sa tingin ni Gatchalian ay nais lamang bigyan diin ni Pangulong Duterte kung gaano ka-kumplikado at kahirap resolbahin ang problema sa ilegal na droga kaya nito nabanggit na gawing drug czar si VP Leni Robredo.

Pero ayon kay Gatchalian, kung seryoso si Pangulong Duterte ay dapat nila itong pag-usapang na mabuti ng ikalawang pangulo.


Ipinaliwanag ni Gatchalian na hindi lang simpleng pagbibigay ng assignment kay VP Robredo ang mangyayari kundi pagbibigay din ng kontrol sa pulis at sa PDEA at kailangang may sapat na budget.

Facebook Comments