Kalibo, Aklan — Binawi na ni Aklan 1st Congressman Carlito S. Marquez ang kanyang suporta sa pagpasa ng House Bill 9826 “An Act Creating Boracay Island Development Authority, Defining its Powers and Functions, and Providing Funds Therefor” o ang BIDA Bill.
Base sa sulat ni Cong. Marquez na ipinadala kay Majority Leader at Chairman ng Committee on Rules Hon. Ferdinand Martin Romualdez ay inihayag nito ang dahilan ng kanyang pagbawi ng suporta sa nasabing Bill.
Ayon sa kanya ito ay dahil sa mahigpit na pagtutol ng mga nasasakupan nito at mga stakeholders.
Kasama rin sa nasabing sulat ang position paper ng probinsya.
Facebook Comments