Tuesday, April 14, 2026

DA, puspusan na ang mga hakbang para matulungan ang mga magsasaka st mangingisda

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na magiging malaking hamon para sa mga magsasaka ang panahon ng pagtatanim.

Sa Kapihan sa Manila Prince, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Asec. Arnel De Mesa, apektado ang mga magsasaka sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis lalo na’t gumagamit sila ng krudo sa mga traktora hanang mataas na rin ang bentahan ng fertilizer.

Bukod dito, ayon pa kay De Mesa sa ngayon ay walang nakikitang problema sa suplay ay bentahan ng mga baboy at manok pero nagkakaproblema sa bentahan ng gulay.

Paliwanag ni De Mesa, dumoble ang singilan ng mga sasakyan na ginagamit sa pagkuha ng suplay ng gulay kaya’t tumataas ang halaga nito habang kumokonti naman ang umaangkat.

Maging ang mangingisda ay lubos rin naapektuhan dahil sa hindi na lumalayag ang ilan sa kanila lalo na’t lumobo ang presyo ng langis kung saan lumilipat na lamang sila ng ibang trabaho.

Sa kabila nito, sinabi ni De Mesa na gumagawa na sila ng paraan tulad ng pamimigay ng fuel assiistance at pagpapadala ng mga Kadiwa truck para sa pagkuha ng suplay

Bukod dito, sisimulan na rin ilabas ng DA ang nasa P10 bilyon na pondo para matulungan ang mga rehistradong magsasaka at mangingisda na kanilang bibigyan ng cash assisitance.

Facebook Comments