Suspect sa pamamaril patay sa isang barangay tanod nakilala na

Tukoy na ng City PNP ang suspect na bumaril patay sa isang barangay tanod
ng poblacion mother ng lungsod.Batay sa follow-up na ginawa ni PP1
Commander PCI Efren Salazar, batay sa nagging pahayag ng nakakita sa
pamamaril ay nakilala na nila ang suspect, na pansamantalang hindi muna
tinukoy habang nagpapatuloy ang kanilang pagtugis.
Posibleng may kaugnayan sa trabaho bilang pagiging barangay tanod ng
biktima ang motibo ng pamamaril dahil aktibo ang mga tanods ng naturang
barangay sa paghuli sa mga sangkot sa illegal na droga sa lugar.
Maalalang nakaupo lamang sa kanyang motorsiklo ang barangay tanod nasi
Nasrudin Samad 38 anyos ng lapitan ng suspect at walang sabi-sabing
pinagbabaril ng tatlong beses sa ulo na nagging sanhi ng agara nitong
kamatayan..Nalulungkot naman si Poblacion mother kapitan Nasser Usman sa
pagkabaril sa kanyang isang barangay tanod.

Facebook Comments