Arestado ang isang 26-anyos na magsasaka matapos mahuli sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Badoc Municipal Police Station kasama ang iba pang ahensya noong Miyerkules, sa Brgy. Napu, Badoc, Ilocos Norte.
Ayon sa pulisya, nahuli ang suspek matapos nitong ibenta ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagkunwaring buyer. Agad siyang dinakip at dinala sa kustodiya ng mga awtoridad.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang kaso habang inihahanda ang mga kaukulang reklamong isasampa laban sa suspek.
Facebook Comments







