Tuesday, June 16, 2026

Cayetano bloc, nagpasaklolo na sa Korte Suprema kaugnay sa isyu ng Senate leadership

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo nina Senator Alan Cayetano at para kuwestiyunin ang naging balasahan sa Senado noong June 3.

Sa inihaing petition for certoriari and prohibiton, hiniling ni Cayetano sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng status quo ante order o para ibalik sitwasyon bago isinagawa ang mga kinukuwestyong hakbang sa Senado.

Humiling din sina Cayetano na ipawalang-bisa ang sesyon na pinangunahan ni Senador Sherwin Gatchalian, deklarasyon ng quorum na may 12 miyembro, paghalal ng mga bagong opisyal ng Senado, pagtatalaga ng mga bagong committee chairpersons, at iba pang mga hakbang na inaprubahan sa naturang sesyon.

Nais din ng mga petitioner na kilalanin pa rin si Cayetano bilang Senate President habang si Senator Loren Legarda pa rin ang Senate President Pro Tempore, at si Atty. Jose Luis Montales naman ang Senate Secretary.

Ayon sa petitioners, wala umanong bisa ang lahat ng naging aksyon at pagtatalaga na nagmula sa sesyon noong June 3 at dapat na maibalik ang dating liderato at komposisyon ng Senado habang dinidinig ang kaso.

Facebook Comments