Talumpati ni PRRD sa kanyang SONA, hindi lalagpas ng isang oras

78

Hindi lalagpas ng isang oras ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar – iiwasan ng Pangulo na mag-adlib at mananatili sa kanyang talumpati.


Base sa rehearsals, ang ika-apat na SONA ni Pangulong Duterte ay tinatayang nasa 45 minutes hanggang isang oras ang haba.

Sabi ni Andanar – mula sa 28 pages ay naging 19 pages na lamang ang speech.

Ang Philippine Philharmonic Orchestra ay inaasahan ding magtatanghal sa SONA.

Si binibining Joyce Bernal ang magiging direktor ng SONA.

Sinisilip na rin nila ang posibilidad na lagyan ng backdrop ang likod ni Pangulong Duterte habang siya ay nagtatalumpati.

Facebook Comments

From Advertisers