Tambak na mga Basura, Tumambad sa Magat Dam!

Cauayan City, Isabela- Nagkalat na mga basura ang tumambad na iniwan ng mga bakasyunista at turista sa Magat Dam sa bayan ng Ramon, Isabela matapos ang kanilang pagsalubong at pagdiriwang ng bagong taon.

Sa kabila ng mga pabatid at paalala ng mga nakatalagang guwardiya sa naturang Dam na isa sa dinarayo ng mga turista ay marami pa rin ang hindi sumusunod sa tamang pagtatapon ng basura.

Kaugnay nito, maghihigpit na umano ang mga barangay opisyal sa mga bakasyunista kaugnay sa pagtatapon ng basura.


Abala ngayon ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ng Gen. Aguinaldo sa paglilinis at paghakot sa mga naiwang basura at itatapon sa kanilang sanitary landfill.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga namamasyal sa naturang Dam.

Facebook Comments