Animnaput walo katao na ang nahuli ng City Public Safety Office na lumabag sa umiiral na Tobacco Regulation ordinance ng lungsod o Smoking ban. Aktibo na kasi ang Task Force sa pag-iikot sa apat na sulok ng siyudad na nanghuhuli sa naninigarilyo sa mga pampublikong lugar na pinangunahan ni Safety officer retired Chief Supt.Rolen Balquin kasama ang City PNP, TMU at TMC. Sa first offence ay pinagbabayad ng 500 pesos ang mga violators kung ayaw nilang sumailalim sa Community service habang papalo sa 5000 ang multa sa second offence at 10,000 sa third offence. Inihayag ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, na liable din ang mga establishment kung meron mahuling naninigarilyo sa loob ng restaurant….Kailangan maglagay din sila ng designated smoking area sa kanilang establishment.Sa mega market ay strict narin ang paghuhuli ni Sam Mundas sa mga naninigarilyo sa palengke.
Task Force sa Smoking ban pinalakas ang kampanya
Facebook Comments