Kalibo, Aklan— Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Aklan PPO, CIDG, PCG, NAVY at Malay Police station ang iba’t ibang uri ng baril at daan daang bala mula sa tatlong kalalakihan sa Caticlan Jetty Port kagabi.
Nakilala ang mga suspek na sina Marvin Miranda, 31 anyos, army reservist, residente ng Villarreal, Bayawan, Negros Oriental, Mario Fuyal, 62 anyos, isang retired army, residente ng Brgy Ususan, Taguig City, at si Adolfo Obiacoro, 34 anyos,tricycle driver at residente ng Imus, Cavite.
Ayon kay PMAJ. Gilbern Banderado ng CIDG-Aklan na ikinasa nila ang nasabing operasyon matapos makatanggap ng sumbong na may isang Nissan Xtrail na may kargang mga baril ang papasok sa lalawigan sa pamamagitan ng barko mula sa Batangas.
Dagdag pa nito na agad silang nakipagtulungan sa ibang mga tropa kung saan agad na na-intercept ang tatlo dakong alas 9:00 kagabi.
Nakuha sa tatlo ang mga sumusunod: isang Sulun shotgun, 4 na long steel magazine nito, 1 short steel magazine ng shotgun, 17 cartridge ng 12 gauge shotgun, 1 unit ng Rock island Highcup caliber 45, 2 steel magazine ng caliber 45, 23 na mga bala nito, 1 unit ng 9 mm Masada, 61 bala ng 9 mm, 4 magazine para sa 9 mm, 1 unit 380 caliber Taurus Spectrum, 2 steel magazine ng caliber 380, 12 bala ng caliber 380, 1 holster na para sa 9 mm, 1 holster ng caliber 380, 1 magazine pouch ng Caliber 380.
Nakuha rin ng mga pulis ang isang itim na sling bag na walang brand, 1 itim na bag na Red Viper ang brand, 1 kulay blue na Box Ammunition na naglalaman ng (100) Rounds para sa 9mm, One Hundred (100) Rounds 9 mm Live Ammunition (Reload), dalawang (2) kulay itim na Box Ammunition para sa Caliber .45, Seventy-Seven (77) pirasong Live Ammunition para sa Caliber .45, Thirty-One (31) Live Ammunition para sa 12 Gauge Shotgun, dalawang (2) Carton box para sa Caliber .45, isang Carton ng 12 Gauge Shotgun ammunition at isang Steel Ammo Box na kulay Green.
Nakasilid umano ang nasabing mga baril at bala sa isang bag sa loob ng sasakyan kung saan sa kanilang pagsusuri sa mga dokumento ay may naipakita naman ang retired army ngunit nang tinanong kung may kaukulang papeles tungkol sa pagdadala ng ganong karaming armas at mga bala ay walang maipakita ang mga ito.
Aniya na dadalhin sana nila ang naturang mga baril sa lalawigan ng Negros at posibleng sa pagmamadaling maka-abot sa last boarding sa barko ay hindi na nila idineklara sa port of origin na may dala silang mga baril.
Kasalukuyan ng nakikipagtulungan ang CIDG Aklan sa tanggapan ng Firearms and Explosive Division ng PNP para sa firearms verification at kung walang permit to transport firearms ay makakasuhan ang mga ito.
Sa ngayon kasalukuyang nasa kustodiya ng tanggapan ng CIDG Aklan ang tatlo para sa custodial investigation.
Tatlo arestado sa Caticlan Jetty Port matapos makunan ng iba’t ibang uri ng baril at mga bala kagabi
Facebook Comments