Tatlo katao ang nahuli ng mga police station sa Cotabato city nitong nakalipas na weekend may kaugnayan sa illegal na droga, unang nahuli si Adbullah Darping na residente ng Sultan Kudarat Maguindanao, kung saan nakuha sa kanyang posisyon ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos. Ayon sa report, abala umano sa pagsurveillance ang mga intel operatives ng PP1 sa bahagi ng Quezon avenue kahapon ng umaga ng makita nila na iniabot ng isang nakamotorsiklo ang isang pakete ng shabu sa suspect na nasa loob naman ng nakaparadang multicab.Dito na mabilis na hinuli ng mga pulis ang dalawa subalit nakatakas ang nakamotor at si Abdullah lang ang nahuli. Pagkatanghali ay isang dispatcher naman ang nahuli at itoy nakilala sa pangalang si Tho Dalgan na residente ng Tukananes, nakuha rin sa kanya ang isang sachet ng shabu matapos na iabot ng isang lalaking nakasakay ng single motorcycle sa Pantalan area.Nagkataon naman na naroon ang tropa ni PP3 Station commander PSI Leonardo Enggay kayat siyay mabilis na nahuli. Kinahapunan naman kahapon ay timbog din ang isang Vic Jackson Guiamil na residente ng Manday makaraang mahuli siya ng mga Drug Enforcement Unit ng PP1 sa bahagi ng tanghal bridge barangay Poblacion 6, nakuha sa kanyang posisyon ang isang sachet din ng shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos. Ang tatlo ay nakapiit na ngayon at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.
Tatlo katao timbog ng City PNP kahapon
Facebook Comments