Tatlo patay dalawa sugatan sa bakbakan ng dalawang commander ng dalawang moro front sa N.Cot

*Tatlo ang patay habang dalawa naman ang sugatan sa bakbakan ng dalawang Commander na mula sa MILF at MNLF sa barangay Marbel Matalam north Cotabato.*
*Ayon kay Habib Guiabar, ng Local Monitoring team, umigting muli ang bakabakan nina Commander Manzur Imbong ng 108 base Command ng MILF, Commander Pong Unsil laban naman kay Commander Tato Manial ng MNLF, na matagal ng may alitan sa lupa.*
*Dahil sa bakbakan ay lumikas ang daan-daang pamilya patungo sa ligtas na lugar..Sinabi pa ni Habib Guiabar, na pumasok sila sa area noong biyernes kasama ang alkalde ng Matalam at BatCom ng 7IB para makiusapan ang magkabilang panig para itigil ang kanilang bakbakan.Silay pumayag naman daw at nahinto ang sagupaan.*
*Sa martes bukas ay naka schedule naman ang pag-uusap sa magkabilang panig para maresolba ang problema.Tinatayang 400 pamilya ang lumikas.*
*Samantala may apela si Habib Guiapar, ang local monitoring team sa probinsya ng north Cotabato sa dalawang naglalabang commander na sana ay tuldukan na ang hidwaan at pag usapan ang solusyon sa matagal ng alitan sa barangay Marbel Matalam..Anya pa walang magandang maidulot kung puro barilan na lang ang mangyayari.*

Facebook Comments