TATLONG MAGKAKAHIWALAY NA PAG-ARESTO SA MGA WANTED PERSON, NAITALA SA IBA’T IBANG BAYAN NG LA UNION

Sunod-sunod na operasyon laban sa mga wanted person ang matagumpay na naisagawa ng mga pulis sa magkakahiwalay na lugar sa probinsya na nagresulta sa pag-aresto ng tatlong indibidwal na may iba’t ibang kinakaharap na kaso.

Inaresto ng Bangar Municipal Police Station (MPS) katuwang ang La Union Provincial Intelligence Unit (LUPIU) ang isang 61 anyos na negosyante at residente ng nasabing lugar Isinagawa ito sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) para sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Sec. 5(B), RA 9262) at may 72,000 pesos na piyansa.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Bangar MPS ang akusado para sa wastong disposisyon.

Arestado naman ng mga tauhan ng Rosario MPS ang isang 43 anyos na construction worker na tubong Mangaldan, Pangasinan matapos mahuli sa bisa ng dalawang WOA para sa 2 counts ng paglabag sa RA 9262, na may 24,000 pesos na piyansa sa bawat kaso.

Nasa kustodiya na ng Rosario MPS ang akusado para sa karampatang proseso.

Nai-serve din ng mga personnel ng Rosario MPS ang Warrant of Arrest laban sa isang 31 anyos na warehouse crew para sa kasong Pagnanakaw (Theft) na may 12,000 pesos na inirerekomendang piyansa.

Kasalukuya na itong nakadetine sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Agoo.

Facebook Comments