Tatlong NPA patay sa enkuwentro ng militar sa bayan ng Makilala North Cotabato

(Update) Tatlong miyembro ng New Peoples Army ang napatay sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebeldeng New Peoples Army sa hangganan ng Brgy. Batasan at Brgy. Biangan sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato kaninang umaga.
Ito ang sinabi ni DECOP PINSP Ricardo Violon ng Makilala PNP .
Tatlong umanong mga bangkay ang natagpuan ng otoridad sa lugar na pinangyarihan ng enkuwentro na pinaniniwalaang miyembro ng Guerilla front 52 ng NPA.
Nagkasagupa kaninang pasado alas sais ng umaga ang tropa ng 39 IB ng Phil-Army at mga armado sa barangay Batasan Makilala matapos ireport ng mga residente ang presensiya ng mga armado. Agad rumesponde ang mga sundalo na humantong sa ilang oras na bakbakan. Dalawa sa mga sundalo ang naiulat na nasugatan na hindi pa pinangalanan..
May mga sibilyang lumikas na umaabot sa 114 na sumilong sa barangay hall ng Batasan sa Makilala.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments