Tuesday, June 9, 2026

PANSAMANTALANG FOOTBRIDGE SA BAHAGI NG DAGUPAN CITY NATIONALHIGH SCHOOL, NAGAGAMIT NA NG MGA ESTUDYANTE

Nagagamit na ng mga estudyante ang isinagawang pansamantalang footbridge sa ilalim ng overpass sa bahagi ng Dagupan City National High School.

Sa pagbubukas ng klase, isa ang nasabing pansamantalang bridge na nagagamit ng mga mag-aaral para hindi mabasa ang mga ito at makatawid ng maayos.

Isinagawa ang nasabing footbridge ng City Engineering Office.

Kasalukuyan pa rin nasa ilalim ng konstruksyon ang kalsada at drainage sa nasabing bahagi pati na rin ang iba pang pasilidad para sa mas dekalidad na pag-aaral ng mga estudyante sa paaralan.

Pinaalalahanan rin ang estudyante a tmga magulang na magdala ng payong o ano mang panangga sa malakas na ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments