Ligtas na naibalik sa karagatan ang isang pawikan kamakailan matapos itong isurrender ng isang residente ng Barangay Batiarao sa LGU Anda.
Naisurrender ni Mr. Ryan Catabay ng Barangay Batiarao ang pawikan kay Executive Assistant Ruel Quilla, kasama ang mga staff ng Solid Waste Management sa pangunguna ni SEMS Mac Arthur Aseo.
Agad itong inasikaso ng mga municipal employees. Matapos masuri at mairecord ang kalagayan ng pawikan, kaagad itong ibinalik sa karagatan upang malayang makapamuhay sa natural nitong tahanan.
Pinaalalahanan naman ang publiko na kung sakaling makahuli o makakita ng endangered species na lamang-dagat gaya ng pawikan, agad itong isurrender sa kinauukulan upang masiguro ang kaligtasan nito at maibalik sa tamang tirahan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










