Tatlong OFW na kakauwi lang sa bansa, nabiktima ng modus na salisi sa Pasay City

Manila, Philippines – Biglang naglaho ang pinaghirapang pera ng 3 OFW matapos silang mabiktima ng modus na salisi sa Pasay City.

Habang nasa NAIA terminal 2, isang babae ang nakipag kaibigan sa kanila.

Dahil nakapalagayan na ng loob nagkasundo silang mag hotel at kumain muna sa labas.


Habang nasa restaurant , nag-iwan pa ng 2,100 pesos ang suspek para pangkain bago nag paalam na mag-wiwithdraw lang sa ATM.

Walang kamalay malay ang 3 OFW na ito na pala ang oras na papasukin ng suspek ang nirentahan nilang kwarto sa hotel.

Bitbit ang susi mag isang bumalik sa hotel ang suspek tsaka nilimas ang pera cellphone pasalubong at iba pang mahahalagang gamit ng 3 OFW.

98,000 na cash ang natangay ng suspek na una nang nagpakilala sa pangalawang Gabriel Ruth.

Facebook Comments