TATLONG SASAKYAN, KARAMBOLA SA NEW DE VENECIA ROAD, DAGUPAN CITY; DALAWANG MANGINGISDA, SUGATAN

Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa kasagsagan ng ulan sa New De Venecia Road, Lucao District, Dagupan City noong Sabado, Hulyo 11, 2026.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, isang sasakyan ang umano’y nagtangkang mag-overtake sa isang tricycle ngunit nawalan umano ng kontrol ang driver at bumangga sa likurang bahagi ng tricycle.

Nasugatan ang driver at backride ng tricycle at agad isinugod sa Region I Medical Center habang wala namang ibang malubhang nasugatan.

Ayon sa pulisya, nagkaareglo na ang lahat ng sangkot sa insidente at nakalabas na rin ng ospital ang dalawang nasugatang sakay ng tricycle matapos mabigyan ng kinakailangang lunas.

Nagbigay naman ng paalala ang pulisya sa tamang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan, lalo na tuwing maulan, para maiwasan ang mga aksidenteng dulot ng madulas na kalsada at limitadong visibility. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments